Unang Pahina

Napiling artikulo

Si Marian Rivera noong 2008, ang gumanap na MariMar.
Si Marian Rivera noong 2008, ang gumanap na MariMar.

Ang MariMar ay isang Pilipinong seryeng pantelebisyon na ipinalabas sa GMA Network noong Agosto 13, 2007 hanggang Marso 14, 2008 na pinagbibidahan nina Marian Rivera bilang MariMar, Dingdong Dantes bilang Sergio Santibañez, at Katrina Halili bilang Angelika Santibañez. Binatay ito ng GMA Network sa Pilipinas mula sa orihinal na palabas sa Mehiko na may kaparehong pamagat, ngunit may mga pagbabago sa balangkas. Pinagbidahan nina Thalía at Eduardo Capetillo ang naunang serye, na isa ring muling pagsasagawa ng seryeng LaVeganza, na nagmula din sa TeleVisa. Ipinalabas ang orihinal na MariMar mula sa Mexico noong taong 1997 sa RPN. Ito ay mabilis na tinangkilik ng mga Pilipino, at nagkaroon ng antas na umabot hanggang 50%. Ang seryeng ito ng Mehiko ang nagbigay kay Thalía ng kasikatan sa Pilipinas upang tangkilikin muli ng mga Pilipino ang iba pa niyang palabas tulad ng Maria Mercedes, Maria La del Barrio, at Rosalinda na umabot sa 75% na grado, na sinasabing pinakamataas na grado ng palabas sa Pilipinas. Sa unang gabing ipinalabas ang MariMar noong Agosto 13, 2007, nakakuha ng mataas na marka ang palabas na mayroong 36.6% (ayon sa pagsusuri sa Kalakhang Maynila). Matapos ang isang buwan, noong Setyembre 13, 2007, nakakuha ito ng 39.3% na marka, lagpas sa 38.3% nakuha nila sa unang linggo. Noong Oktubre 5, 2007, nakuha na nila ang 40% marka. Noong Oktubre 26, 2007, nakuha naman nila ang 44.6% marka sa Kalakhang Maynila. Noong Nobyembre 19, 2007, nakuha na nila ang 49.5% marka, malapit sa markang 50% nakuha ng Mehikanong telenobelang MariMar ni Thalía.

Alam ba ninyo ...

Napiling larawan

Ang Staatsoper Unter den Linden, kilala rin bilang Staatsoper Berlin (o Operang Pang-estado ng Berlin), ay isang nakatalang gusali sa bulebar Unter den Linden sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin, Alemanya. Ang bahay opera ay itinayo sa pamamagitan ng utos ng Prusong hari na si Federico II ng Prusya mula 1741 hanggang 1743 ayon sa mga plano ni Georg Wenzeslaus von Knobelsdorff sa estilong Palladiana

May-akda ng larawan: A.Savin

Sa araw na ito (Hunyo 1)

Hunyo 1

Gorbachev
Gorbachev

Mga huling araw: Mayo 31Mayo 30Mayo 29

Patungkol

Ang Wiki How ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman.Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na:
47,377
artikulo
119
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wiki How at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan

  • Nagbitiw si Migz Zubiri (nakalarawan sa kaliwa) bilang Pangulo ng Senado ng Pilipinas at pinalitan ni Francis Escudero (nakalarawan sa kanan).
  • Nanumpa si Lai Ching-te bilang Pangulo ng Taiwan, kasama si Hsiao Bi-khim, ang kanyang Bise Presidente.
  • Naging umaaktong pangulo ang unang pangalawang pangulo ng Iran na si Mohammad Mokhber kasunod ng pagkamatay ni Ebrahim Raisi.
  • Nagpasya ang Korteng Pangkonstitusyon ng Timog Aprika na ang Pangulong Jacob Zuma ay hindi karapat-dapat na tumakbo sa paparating na halalang parlyamentaryo dahil sa pagsintensya sa kanya makulong noong 2021.
  • Ginawaran ng mga hukom si Julian Assange ng permiso na mag-apela sa kanyang ekstradisyong utos mula sa Reyno Unido tungong Estados Unidos.
Wika