Punong Ministro ng Australia

Ang Punong Ministro ng Australia ang pinuno ng pamahalaan ng Komonwelt ng Australia, na nanunungkulan sa bisa ng komisyon galing sa Gobernador-Heneral ng Australia. Ang tanggapan ng punong ministro ang pinakamataas na tanggapang pampolitika sa Australia. Sa kabila ng pagiging nasa tuktok ng pamahalang ehekutibo sa bansa, hindi nabanggit ang tanggapan ng Punong Ministro sa Saligang Batas ng Australia at umiiral sa pamamagitan ng Kumbensiyon para sa Saligang Batas.

Prime Minister ng Australia
Eskudo de armas ng Australia
Watawat ng Australia
Incumbent
Anthony Albanese

mula 23 Mayo 2022
Pamahalaan ng Australia
Kagawaran ng Punong Ministro at Gabinete
Tanggapan ng Punong Ministro
IstiloThe Honourable[1]
Prime Minister[2] (informal)
KatayuanPinuno ng Pamahalaan
PagpapaikliPM
Kasapi ng
  • Parlamento]]
  • Gabinete
  • Pambansang Gabinete
  • Federal Executive Council
  • National Security Committee
Nag-uulat sa/kayKamara de Representantes
Tirahan
LuklukanCanberra
NagtalagaGovernor-General[4]
Haba ng terminoAt the Governor-General's pleasure[3]
Nabuo1 Enero 1901; 123 taon na'ng nakalipas (1901-01-01)[4]
Unang humawakEdmund Barton[4]
DiputadoDeputy Prime Minister of Australia
Sahod$564,360 bawat taon (2022)[5]
Websaytpm.gov.au

Maliban sa natatanging mga pagkakataon, ang punong ministro ang palaging pinuno ng Partidong pampolitika o koalisyon na Mayo suporta ng Mayoorya sa Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang natatanging kaso kung saan ang isang senador ay naitalaga bilang punong ministro ay ang kay John Gorton, na di naglao'y nagbitiw bilang senador at nahalal bilagn miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan (Gumaganap na punong ministro si senator George Pearce sa loob ng pitong buwan noong 1916 samantalang si Billy Hughes ay nasa ibang bansa).[6]

Si Anthony Albanese ng Partidong Paggawa ang kasalukuyang punong ministro ng Australia. Siya ay naluklok sa posisyon mula noong 23 Mayo 2022.[7][8]

Suweldo at mga benepisyo baguhin

Kasaysayan ng suweldo ng Punong Ministro
NaipatupadSuweldo
2 Hunyo 1999$289,270
6 Setyembre 2006$309,270
1 Hulyo 2007$330,300

Suweldo baguhin

Ang punong ministro ang may pinakamalaking suweldo sa mga kasapi ng parlamento.

Ang suweldo ng mga ministro ay karagdagang bahagdan sa batayang suweldo sa parlamento. Ayon sa Unang Ulat ng Remuneration Tribunal noong taong 2006[9] kinompirma nila na ang karagdagang suweldo ng puong ministro ay 160 bahagdan (160%) ng kanyang suweldo sa parlamento, i.e. kaya sa kabuuan ang kinikita ng punong ministro ay umaabot ng 260% ng suweldo ng ordinaryong kasapi ng parlamento.

Ang suweldo ng punong ministro ay may limang beses nang kinikita ng isang nagtatrabahong may sapat na gulang na $67,116, hanggang noong Pebreror 2010.[10]

Rasyon baguhin

Mga Punong Ministro Curtin, Fadden, Hughes, Menzies at Gobernador-Heneral The Duke of Gloucester noong 1945.

Ang Maharlikang Hukbong Panghimpapawid ng Australia No. 34 Squadron ang naghahatid at sundo sa punong ministro sa loob ng Australia at sa tawid dagat sa pamamagitan ng pagbabago sa mga Boeing Business Jets at maliliit na Challenger na sasakyang panghimpapawid. Mayroong magandang kagamitan para sa komunikasyon ang sasakyang panghimpapawid gayundin mayroon itong tanggapan, silid-pulungan at mga tulugan. Ang katawagan sa sasakyang panghimpapawid ay "Envoy".

Ang opisyal na panuluyan ng punong ministro ay ang The Lodge sa Canberra, subalit hindi lahat ng punong ministro ay nanatili roon. Mas pinili ni Jim Scullin na manuluyan sa Hotel Canberra (ngayo'y Hyatt Hotel); nanirahan naman si Ben Chifley sa Kurrajong Hotel; at nagpagawa naman si John Howard ng Kirribilli House sa Sydney ang kanyang pangunahing tirahan, samantalang ginagamit niya ang The Lodge kapag nasa Canberra para sa opisyal na lakad. Sa pagkakatalaga sa kanya noong 18 Setyembre 2013, sinabi nang kasalukuyang punong ministro na si Tony Abbott na hindi siya manunuluyan sa The Lodge hanggang sa mapabalik siya sa pwesto sa pamamagitan ng boto ng nakararami sa susunod na halalan (naging punong ministro siya sa kalagitnaan ng panunungkula ni Kevin Rudd na nagbitiw matapos maharap sa walang pagkapanlong halalan sa loob ng partido). Ang mga opisyal na panuluyan ay kumpleto sa mga tagasilbi at mayroong pakain para sa punong ministro at para sa kanyang pamilya.

Mayroong mga kasama si Kevin Rudd sa The Lodge na punong tagapagluto at katulong na tagapagluto, tagapag-alaga ng bata, tagapagbantay ng bahay, at dalawang bagong tagapagbantay ng bahay. Sa Kirribilli House sa Sydney, mayroong punong tagapagluto at isang tagapagbantay ng bahay.[11]

Patuloy pa ring nakakatanggap ng rasyon ang mga punong ministro matapos ang kanilang panunungkula, kasama na rito ang libreng espasyo para sa tanggapan, ang karapatang makakuha ng Life Gold Pass at salaping gugulin para sa mga kakailanganing suplay sa tanggapan at mga katiwala. Sa pamamagitan ng Life Gold Pass maaaring maglakbay ang may-ari nito saanman sa Australia sa mga hindi-pangkalakalan (commercial) na dahilan na sagot ng pamahalaan ang gastos.

Isang punong ministro lamang ang nakabalik sa parlamento. Natalo si Stanley Bruce sa pwesto noong 1929 habang siya'y punong ministro, subalit muli siyang nahalal bilang kasapi ng parlamento noong 1931.

Patuloy na kinikilala sa buong bansa ang mga dating punong ministro, at sa ilang pagkakataon nagiging matagumpay sa mga karera matapos ang pagiging punong ministro. Ilan sa kabanggit-banggit rito ay sina: Edmund Barton, na naging hukom sa Mataas na Hukuman; George Reid, Andrew Fisher, Joseph Cook at Stanley Bruce, na naging Mataas na Komisyoner sa United Kingdom; at Arthur Fadden, na naging ingat-yaman sa panahon nang isa pang punong ministro na si Robert Menzies.

Tala ng mga punong ministro baguhin

Nasa ibaba ang tala ng mga Punong Ministro ng Australia ayon sa pangalan, petsa ng pagkahiran, petsa ng paglisan sa tanggapan, partidong pampolitika, tagal sa panunungkulan at ang estadong kinakatawan sa parlamento. Ang (mga) estado na kinatawan sa parlamento ay hindi maaaring hindi ang estado kung saan naging mas malapit ang tao; ang isa sa pinakamagandang halimbawa nito ay si Bob Hawke na isinilang sa South Australia, lumaki sa Western Australia, nagtrabaho at kumatawan sa Victoria at nagretiro sa New South Wales.

Ang mga partidong pinapakita ang partido ng mga punong ministro nang sila'y maupo sa panunungkulan. Ilang mga punong ministro ang kasapi ng mga partidong ibinigay bago at matapos ang panunungkulan bilang punong ministro.

Para sa mas detalyadong talaan, tingnan ang Tala ng mga Punong Ministro ng Australia.

      Protectionist      Labor      Free Trade      Commonwealth Liberal      National Labor/Nationalist/United Australia      Country      Liberal

#PangalanNagsimulaNagtaposPartidoTagal sa panunungkulanKinakatawang Estado
sa Parlamento
1Edmund Barton1 Enero 190124 Setyembre 1903Protectionist2 taon, 8 buwan, 24 arawNew South Wales
2Alfred Deakin24 Setyembre 190327 Abril 1904Protectionist0 taon, 7 buwan, 4 arawVictoria
3Chris Watson27 Abril 190418 Agosto 1904Labour0 taon, 3 buwan, 21 arawNew South Wales
4George Reid18 Agosto 19045 Hulyo 1905Free Trade0 taon, 10 buwan, 18 arawNew South Wales
 –Alfred Deakin5 Hulyo 190513 Nobyembre 1908Protectionist3 taon, 4 buwan, 9 arawVictoria
5Andrew Fisher13 Nobyembre 19082 Hunyo 1909Labour0 taon, 6 buwan, 21 arawQueensland
 –Alfred Deakin2 Hunyo 190929 Abril 1910Commonwealth Liberal0 taon, 10 buwan, 28 arawVictoria
 –Andrew Fisher29 Abril 191024 Hunyo 1913Labor3 taon, 1 buwan, 26 arawQueensland
6Joseph Cook24 Hunyo 191317 Setyembre 1914Commonwealth Liberal1 year, 2 buwan, 25 arawNew South Wales
 –Andrew Fisher17 Setyembre 191427 Oktubre 1915Labor1 year, 1 buwan, 11 arawQueensland
7Billy Hughes27 Oktubre 19159 Pebrero 1923Labor/Nationalist7 taon, 3 buwan, 14 arawNew South Wales, Victoria
8Stanley Bruce9 Pebrero 192322 Oktubre 1929Nationalist6 taon, 8 buwan, 14 arawVictoria
9James Scullin22 Oktubre 19296 Enero 1932Labor2 taon, 2 buwan, 16 arawVictoria
10Joseph Lyons6 Enero 19327 Abril 1939United Australia7 taon, 3 buwan, 2 arawTasmania
11Earle Page7 Abril 193926 Abril 1939Country0 taon, 0 buwan, 20 arawNew South Wales
12Robert Menzies26 Abril 193928 Agosto 1941United Australia2 taon, 4 buwan, 4 arawVictoria
13Arthur Fadden28 Agosto 19417 Oktubre 1941Country0 taon, 1 buwan, 9 arawQueensland
14John Curtin7 Oktubre 19415 Hulyo 1945Labor3 taon, 8 buwan, 29 arawWestern Australia
15Frank Forde6 Hulyo 194513 Hulyo 1945Labor0 taon, 0 buwan, 8 arawQueensland
16Ben Chifley13 Hulyo 194519 Disyembre 1949Labor4 taon, 5 buwan, 7 arawNew South Wales
 –Robert Menzies19 Disyembre 194926 Enero 1966Liberal16 taon, 1 buwan, 8 arawVictoria
17Harold Holt26 Enero 196619 Disyembre 1967[12]Liberal1 year, 10 buwan, 23 arawVictoria
18John McEwen19 Disyembre 196710 Enero 1968Country0 taon, 0 buwan, 23 arawVictoria
19John Gorton10 Enero 196810 Marso 1971Liberal3 taon, 2 buwan, 0 arawVictoria
20William McMahon10 Marso 19715 Disyembre 1972Liberal1 year, 8 buwan, 25 arawNew South Wales
21Gough Whitlam5 Disyembre 197211 Nobyembre 1975Labor2 taon, 11 buwan, 7 arawNew South Wales
22Malcolm Fraser11 Nobyembre 197511 Marso 1983Liberal7 taon, 4 buwan, 0 arawVictoria
23Bob Hawke11 Marso 198320 Disyembre 1991Labor8 taon, 9 buwan, 10 arawVictoria
24Paul Keating20 Disyembre 199111 Marso 1996Labor4 taon, 2 buwan, 20 arawNew South Wales
25John Howard11 Marso 19963 Disyembre 2007Liberal11 taon, 8 buwan, 23 arawNew South Wales
26Kevin Rudd3 Disyembre 200724 Hunyo 2010Labor2 taon, 6 buwan, 22 arawQueensland
27Julia Gillard24 Hunyo 201027 Hunyo 2013Labor3 taon, 0 buwan, 4 arawVictoria
 –Kevin Rudd27 Hunyo 201318 Setyembre 2013Labor0 taon, 2 buwan, 23 arawQueensland
28Tony Abbott18 Setyembre 2013

15 Setyembre 2015

Liberal10 taon, 266 arawNew South Wales
29Malcolm Turnbull

15 Setyembre 2015

24 Agosto 2018

Liberal25 taon, 3 buwan, 23 arawNew South Wales
30Scott Morrison

24 Agosto 2018

23 Mayo 2022

Liberal3 taon, 8 buwan, 29 arawNew South Wales
31Anthony Albanese

23 Mayo 2022

kasalukuyanLabor0 taon, 8 buwan, 0 arawNew South Wales

Graphical timeline baguhin


Nabubuhay na dating punong ministro baguhin

Sa ngayon mayroong anim na nabubuhay na dating mga punong ministro: Paul Keating (1991–1996), John Howard (1996–2007), Kevin Rudd (2007-2010, 2013), Julia Gillard (2010-2013), Tony Abbott (2013-2015), Malcolm Turnbull (2015-2018) at Scott Morrison (2018-2022).

Ang pinakamatanda rito ay si Gough Whitlam (94 taong gulang; noong 22 Enero 2009, nakuha ni Whitlam ang pinakamatandang edad sa lahat ng mga nagin Punong Ministro ng Australia). Sa edad na 52, si Kevin Rudd ang pinakabatang dating punong ministro.

Ang pinakamaraming bilang ng buhay na dating punong ministro sa loob ng isang panahon ay walo. Dalawang beses na itong nangyari:

  • Sa pagitan ng Oktubre 1941 (nang sinundan ni John Curtin si Arthur Fadden) at 18 Nobyembre 1941 (nang mamatay si Chris Watson), ang walong nabubuhay na dating punong ministro ay sina Bruce, Cook, Fadden, Hughes, Menzies, Page, Scullin at Watson
  • Sa pagitan ng 13 Hulyo 1945 (nang sinunadn ni Ben Chifley si Frank Forde) at 30 Hulyo 1947 (nang mamatay si Sir Joseph Cook), ang walong nabubuhay na dating punong ministro ay sina Bruce, Cook, Fadden, Forde, Hughes, Menzies, Page at Scullin.

Pitong dating punong ministro ang buhay sa pagitan ng mga panahong 18 Nobyembre 1941 – 13 Hulyo 1945, at 30 Hulyo 1947 – 13 Hunyo 1951.

Ang namatay kamakailan lang na dating punong ministro ay si Sir John Gorton, na namatay noong 19 Mayo 2002.

Backgrounds baguhin

Lugar ng Kapanganakan baguhin

Siyam sa mag naging punong ministro ng Australia ay ipinanganak sa Victoria, pito sa New South Wales, tatlo sa Queensland at isa sa South Australia at Tasmania. Anim ang hindi ipinanganak sa bansa: lima sa United Kingdom (dalawang sa Inglatera, dalawa sa Eskosya, isa sa Wales) at isa sa Tsile.

Edukasyon baguhin

Ang Melbourne Grammar School ang may pinakamaraming nagtapos na naging punong ministro (Deakin, Bruce at Fraser). Ang ilan pang mga paaralang sekundarya na pinagtapusan ng mga naging punong ministro ay ang Geelong Grammar School (Gorton, Fraser), Sydney Grammar School (Barton, McMahon) at Wesley College, Melbourne (Menzies, Holt).

Lima sa mga naging punong ministro ang nagtapos sa Pamantasan ng Sydney (Barton, Page, McMahon, Whitlam, Howard). Apat ang nag-aral sa Pamantasan ng Melbourne (Deakin, Menzies, Holt, Gillard) at tatlo sa0 Pamantasan ng Oxford (Gorton, Fraser, Hawke). Walo sa mga punong ministro ang hindi nakapagtapos ng mataas na paaralan.

Trabaho baguhin

Labing-isang punong ministro ang nagtatrabaho bilang abogado bago pumasok sa politika (bilang karagdagan nakakuha si Hawke ng degree sa batas subalit hindi niya ito nagamit). Pitong punong ministro (lahat Australian Labor Party) ang nagsilbi bilang opisyal ng unyon ng kalakalan. Ang iba pang trabaho na ginawa ng mga punong ministro ay pamamahayag (Watson, Scullin, Curtin), pagtuturo (Lyons and Forde), diplomasya (Forde and Rudd), pagmimina (Fisher, Cook), medisina (Page), pagmamaneho ng makina (Chifley) at accountancy (Fadden).

Tatlong punong ministro ang nagsilbi sa Unang Digmaang Pandaigdig (Bruce, Page at McEwen; kung saan si Bruce lamang ang nakasama sa totoong labanan). Apat ang nagsilbi sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Holt, Gorton, McMahon, at Whitlam; kung saan nagsilbi sina Gorton at Whitlam bilang tripulante sa Maharlikang Hukbong Panghimpapawid ng Australia).

Bago ang pakikilahok sa politika, nahalal ang mga punong ministro sa mga parlamento ng estado ng New South Wales (Barton, Watson, Reid, Cook, Hughes), Queensland (Fisher, Fadden, Forde), Victoria (Deakin, Menzies) atTasmania (Lyons). Bilang karagdagan naging punong-bayan si Page ng Grafton.

Personal na buhay baguhin

Lahat ng mga punong ministro maliban kay Gillard ay kinasal ng hindi bababa sa isang beses. Walang anak sina Bruce, Scullin, Chifley, McEwen at Gillard, samantalang si Lyons ay nagkaroon ng labingdalawang anak (namatay ang isa noong sanggol pa lamang).

Anim na mga punong ministro ang Anglikan (Barton, Bruce, Holt, McMahon, Howard at Rudd), anim ang Presbiteryano (Fisher, Reid, Menzies, Fadden, McEwen at Fraser), lima ang Katoliko (Scullin, Lyons, Forde, Chifley at Keating), lima ang nagsabing wala silang relihiyon (Curtin, Gorton, Whitlam, Hawke at Gillard), dalawa ang two were Metodista (Cook, Page), isa ang Baptist (Hughes), isa ang Unitarian (Watson) at isa ang Spiritualist (Deakin).

Si John Curtin ang tanging punong ministro na nagsilbi sa panahon ng gaol.[13]

Kapanganakan at kamatayan baguhin

Labingpitong mga punong ministro ang ipinanganak bago ang Pederasyon ng Australia, 1 Enero 1901. Ang pinakaunang ipinanganak na punong ministro ay si George Reid, ipinanganak noong 25 Pebrero 1845.

Tatlong punong ministro ang namatay sa panunungkulan: Joseph Lyons (1939), John Curtin (1945) and Harold Holt (1967). Ang pagkamatay ni Holt ang hindi karaniwan – nawala siya habang naglalangoy, at idineklarang patay pagkatapos ng dalawang araw, hindi na natagpuan ang kanyang katawan. Matapos ang halos 38 taon, noong 2005, saka lamang opisyal na idineklara ng Victorian Coroner na nalunod siya nang siya'y nawala.

Ang kauna-unahang pinanganak matapos ang Pederasyon na nagsilbi bilang punong ministro ay si Harold Holt, ipinanganak 5 Agosto 1908. (Si Sir William McMahon, na di naglaon ay naging punong ministro ay ipinanganak noong 23 Pebrero 1908, at ang pinakaunang pinanganak na punong ministro matapos ang Pederasyon.)

Ang kauna-unahang pinanganak matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig na nagsilbi bilang punong ministro ay si Malcolm Fraser, ipinanganak noong 21 Mayo 1930. (Si Bob Hawke, na sumunod kay Fraser ay ipinanganak noong 9 Disyembre 1929, at ang kauna-unahang naipanganak sa mga punong ministrong ipinanganak pagkatapos ng WWI.)

Ang kauna-unahang pinanganak matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagsilbi bilang punong ministro ay si Kevin Rudd, ipinanganak 21 Setyembre 1957. Kasama rin sa kauriang ito ang kasalukuyang punong ministro na si Julia Gillard, na ipinanganak noong 29 Setyembre 1961.

Ang tanging mga punong ministro na ipinanganak noong kasagsagan ng alinmang digmaang pandaigdig ay sina Gough Whitlam, ipinanganak noong 11 Hulyo 1916, sa kasagsagan ng Unang Digmaang Pandaigdig, at Paul Keating, na ipinanganak noong 18 Enero 1944, sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pitong mga punong ministro ang ipinanganak sa buwan ng Setyembre, mas marami ng dalawang sa ikalawang buwan na may pinakamaraming ipinanganak, ang Agosto. Ang pito ay sina: John Gorton (9 Setyembre), Joseph Lyons (Ika-15), James Scullin (Ika-18), Kevin Rudd (Ika-21), Ben Chifley (Ika-22), Billy Hughes (Ika-25) at Julia Gillard (Ika-29). Walang ipinanganak ng Hunyo, Oktubre o Nobyembre.

Dalawang punong ministro ang may parehas na araw kapanganakan: Sina Sir Edmund Barton at Paul Keating, ipinanganak noong 18 Enero taong 1849 at 1944 ayon sa pagkakasunod. Dalawa pang punong ministro ang parehas ang araw ng kamatayan: Sina James Scullin at Frank Forde, namatay noong 28 Enero taong 1953 at 1983 ayon sa pagkakasunod.

Mga edad baguhin

Ang tatlong pinakabata nang sila'y maging punong ministro ay sina:

  • Chris Watson – 37
  • Stanley Bruce – 39
  • Robert Menzies – 44

Ang tatlong pinakamatanda nang sila'y maging punong ministro ay sina:

  • John McEwen – 67
  • William McMahon – 63
  • Ben Chifley – 59 taon 10 buwan (George Reid ay 59 taon 6 buwan).

Ang tatlong pinakabata nang sila'y umalis sa punong ministro ay sina:

  • Chris Watson – 37
  • Arthur Fadden – 46 taon 5 buwan 22 araw
  • Stanley Bruce – 46 taon 6 buwan 7 araw

Ang tatlong pinakamatanda nang sila'y umalis sa punong ministro ay sina:

  • Robert Menzies – 71
  • John Howard – 68
  • John McEwen – 67

Haba ng buhay pagkatapos ng panunungkulan baguhin

Tandaan: Hindi kasama sa pagsusuring ito ang dalawang pinakahuling dating bagong punong ministro, sina John Howard at Kevin Rudd, na pareho pang nabubuhay.

Namatay si Ben Chifley isang taon anim na buwan matapos ang kanyang panunungkulan bilang punong ministro. Tumagal si Alfred Deakin ng siyam na taon at limang buwan.

Lahat ng iba pa ay tumagal ng hindi bababa sa sampung taon. Siyam sa kanila (Bruce, Cook, Fadden, Forde, Fraser, Gorton, Hughes, Watson, at Whitlam) ang nabuhay pa ng 25 taon matapos manungkulan, at lahat maliban sa dalawa rito ang tumagal pa ng mahigit sa 30 taon (Tumagal si Hughes ng 29 taon at 8 buwan; Si Fraser nama'y 27 taon at 3 hanggang sa kasalukuyan, subalit buhay pa hanggang ngayon).

ANg pinakamatal na nabuhay ay si Stanley Bruce, na namatay 37 taon at 10 buwan pagkatapos manungkulan. Kung mabubuhay pa si Gough Whitlam hanggang 25 Setyembre 2013, matatalo niya ang rekord ni Bruce (97 taong gulang na siya sa panahong iyon).

Tingnan din baguhin

Mga sanggunian baguhin

  1. "Contact Your PM". Prime Minister of Australia. Nakuha noong 29 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "How to address Senators and Members". Nakuha noong 26 Abr 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 "Prime Minister". Parliamentary Education Office. Nakuha noong 29 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 "Prime Ministers". Australian Prime Ministers Centre, Old Parliament House. Nakuha noong 29 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "PoliticalSalaries.com - Leaders". PoliticalSalaries.com - What the world pays its politicians. 15 Hunyo 2022. Nakuha noong 20 Ago 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Pearce, Sir George Foster (1870 - 1952)". Australian Dictionary of Biography. Australian National University. 2006. Nakuha noong 24 Hunyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Prime Minister of Australia". Prime Minister of Australia. Department of the Prime Minister and Cabinet. 21 Mayo 2022. Nakuha noong 22 Mayo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Australia election: Anthony Albanese signals climate policy change". BBC News. 22 Mayo 2022. Nakuha noong 22 Mayo 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "of Report on Ministers of State – Salaries Additional to the Basic Parliamentary Salary" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2007-06-20. Nakuha noong 2007-06-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Average Weekly Earnings, Australia, Pebrero 2010, Australian Bureau of Statistics". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-07-21. Nakuha noong 2010-08-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Metherell, Mark (19 Pebrero 2008). "Rudds' staff extends to a child carer at the Lodge". Nakuha noong 24 Hunyo 2010. {{cite news}}: Unknown parameter |publsher= ignored (|publisher= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Pormal nang idineklara si Harold Holt na nalunod noong 17 Disyembre (hindi na nakuha pa ang kanyang katawan), subalit ang kanyang komisyon bilang punong ministro ay hindi opisyal na tinatanggal hanggang noong 19 Disyembre kung kailan lang siya idineklarang "pinaniniwalaang patay".
  13. "Curtin, John (1885 - 1945)". Australian Dictionary of Biography. Australian National University. 2006. Nakuha noong 24 Hunyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas baguhin

Padron:Mga Punong Ministro ng AustraliaPadron:Politika ng AustraliaPadron:Tala ng mga Punong Ministro ng Australia