Pista opisyal sa Pilipinas

Ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay ang anumang pag-alaala at pagdaraos na ginaganap sa Pilipinas bawat taon. Kinabibilangan ito ng masasayang mga selebrasyon at pagsasakatuparan ng mga kapistahan. Dahil sa mga okasyon ang mga ito, karaniwang kinasasangkutan ito ng mga punsiyon o pagtitipon, mga seremonya, at mga parada. Ilan sa mga halimbawa ng ganitong mga pestibal ang mga pagpipista ng mga Pilipino upang alalahin ang Pasko o araw ng mga santo, kaarawan o araw ng kapanganakan ng Pangulo ng Pilipinas, ang Sayaw sa Obando, at ang Pasko ng Pagkabuhay.[1]

Mga tagapagdala ng Watawat ng Pilipinas noong ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang pang-2006 na Araw ng Kalayaan sa Lungsod ng Bagong York sa Estados Unidos. Isang tanda na nagdaraos din ng mga Pagdiriwang ng Pilipinas ang mga Pilipinong nasa ibang mga bansa.

Sa loob ng isang taon, maraming nangyayaring mga pagdiriwang sa bansang Pilipinas. Kabilang sa mga uri nito ang pagiging mga pambansang pagdiriwang, mga pansibikong pagdiriwang, at mga pagidiriwang na panrelihiyon o makapananampalataya.[2]

Pagdiriwang sa 2014 [3] baguhin

ArawPetsaPambansa Pagdiriwang
Regular na pista opisyal
MartesEnero 1Bagong Taon
HuwebesMarso 28Huwebes Santo
BiyernesMarso 29Biyernes Santo
MartesAbril 9Araw ng Kagitingan
MiyerkulesMayo 1Araw ng mga Manggagawà
MiyerkulesHunyo 12Araw ng Kalayaan
LunesAgosto 26Araw ng mga Bayani
SabadoNobyembre 30Kaarawan ni Bonifacio
MiyerkulesDisyembre 25Araw ng Pasko
LunesDisyembre 30Araw ng Kabayanihan ni Dr. José Rizal
Espesyal na pista opisyal
LunesPebrero 25Anibersaryo ng Rebolusyon sa EDSA
SabadoMarso 30Sabado Santo
MiyerkulesAgosto 21Araw ng Kabayanihan ni Ninoy Aquino
BiyernesNobyembre 1Araw ng mga Santo
Pagdiriwang na sumali
MartesDisyembre 24sa Araw ng Pasko
MartesDisyembre 31sa Bagong Taon

Mga pambansang pagdiriwang baguhin

Tinatawag na mga pambansang pagdiriwang ang mga okasyong inaalala at idinaraos sa buong kapuluan ng Pilipinas. Naging mahalaga ang mga ito para sa lahat ng mga Pilipino dahil sa may kaugnayan ang mga kapistahang ito sa kasaysayan ng Pilipinas at ng lipunang Pilipino. Kalimitang itinuturing at ipinapahayag bilang isang pistang opisyal ang ganitong mga kaarawan at walang mga pasok sa mga tanggapan at mga paaralan upang makalahok sa mga seremonya ang bawat isang mamamayang Pilipino. Kabilang dito ang Bagong Taon, Araw ng Rebolusyong EDSA, Araw ng Kagitingan, Araw ng Manggagawa, Araw ng Kalayaan, at Araw ng mga Bayani.[2]

Pagdiriwang na regular baguhin

PetsaPambansa Pagdiriwang
Enero 1Bagong Taon
Marso-AbrilHuwebes Santo
Marso-AbrilBiyernes Santo
Abril 9Araw ng Kagitingan
Mayo 1Araw ng mga Manggagawà
Hunyo 12Araw ng Kalayaan
Lunes sa huling AgostoAraw ng mga Bayani
Nobyembre 30Kaarawan ni Bonifacio
Disyembre 25Araw ng Pasko
Disyembre 30Araw ng Kabayanihan ni Dr. José Rizal

Pagdiriwang na spesyal baguhin

PetsaPambansa Pagdiriwang
Pebrero 25Anibersaryo ng Rebolusyon sa EDSA
Marso-AbrilSabado Santo
Hunyo 27Araw ng mga Mestiso
Agosto 21Araw ng Kabayanihan ni Ninoy Aquino
Nobyembre 1Araw ng mga Santo

Mga pansibikong pagdiriwang baguhin

Ang mga pansibikong pagdiriwang ay mga okasyong idinaraos sa Pilipinas sa loob ng iba't ibang mga buwang nasa loob ng isang taon. Hindi ito mga kapistahang opisyal kaya't mayroong mga pasok sa mga opisina at mga paaralan. Ngunit may mga partikular na pook na nagpapahayag na walang pasok sapagkat itinuturing ang pista bilang isang pampook o lokal na pistang opisyal. Halimbawa ng huli ang araw ng pagkakatatag ng isang lungsod o lalawigan sa Pilipinas. Narito ang may mas malawak na sakop na mga pagdiriwang na pangsibiko: ang Araw ng mga Puso, Linggo ng Pag-iwas sa Sunog, Araw ng mga Ina, Araw ng mga Ama, Linggo ng Wika (na kaarawan din ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa), Araw ng mga Nagkakaisang Bansa, Linggo ng Mag-anak, Araw ng mga Guro, Araw ng Maynila, at Araw ng Lungsod Quezon.[2]

Mga panrelihiyong pagdiriwang baguhin

Marami at sari-sari ang mga idinaraos na pagdiriwang na pangpananampalataya sa bansang Pilipinas. Katulad ng ibang mga pagdiriwang, ginaganap ito sa iba’t ibang mga buwan sa loob ng buong taon. Kinakikitaan ito ng mga kaugalian, katangian, at kalinangan ng mga Pilipino. Mayroong mga piyesta opisyal at meron namang hindi opisyal na kapistahan sa ganitong mga uri ng pagdiriwang. Kabilang sa mga ito ang Pasko, Ati-Atihan, Mahal na Araw, Pahiyas (sa Quezon), Santakrusan, Pista ng Peñafrancia, Araw ng mga Patay (Todos los Santos), Ramadan, at Hari Raya Puasa.[2]

Mga sanggunian baguhin

  1. English, Leo James (1977). "Mga paliwanag at halimbawa ukol sa diwang at pagdiriwang". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 452.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Mga Pagdiriwang sa Pilipinas Naka-arkibo 2009-04-20 sa Wayback Machine., Seasite.niu.edu
  3. http://newsinfo.inquirer.net/262214/aquino-declares-16-national-holidays-for-2013