Fibonacci

Si Fibonacci ( /ˌfɪbəˈnɑːi/;[3] bigkas din EU /ˌfbʔ/,[4][5] Italyano: [fiboˈnattʃi]; mga 1170 – mga 1240–50),[6] kilala din bilang Leonardo Bonacci, Leonardo of Pisa, o Leonardo Bigollo Pisano ('Leonardo, ang Manlalakbay mula sa Pisa'[7]), ay isang Italyanong matematiko mula sa Republika ng Pisa, na tinuturing na "ang pinakatalentadong Kanluraning matematiko ng Gitnang Panahon".[8]

Fibonacci
Bantayog ni Fibonacci (1863) na gawa ni Giovanni Paganucci sa Camposanto di Pisa[a]
Kapanganakan1170
Pisa,[2] Republika ng Pisa
Kamatayanmga 1250(1250-00-00) (edad 79–80)
Pisa, Republika ng Pisa
Ibang pangalanLeonardo Fibonacci, Leonardo Bonacci, Leonardo Pisano
TrabahoMatematiko
Kilala sa
  • Liber Abaci, ginawang popular ang sistemang pamilang na Hindu-Arabe sa Europa
  • Mga bilang Fibonacci
MagulangGuglielmo "Bonacci" (ama)

Gawa-gawa lamang ang pangalan na karaniwan siyang kilala, ang Fibonacci, noong 1838 ni Guillaume Libri, isang Pranko-Italyanong dalubhasa sa kasaysayan[9][10] at pinaikling filius Bonacci ('anak ni Bonacci').[11][b] Bagaman, kahit noong mas maagang 1506, isang notaryo ng Imperyong Romanong Perizolo ay binanggit si Leonardo bilang "Lionardo Fibonacci".[12]

Pinasikat ni Fibonacci ang sistemang pamilang Hindu-Arabe sa kanluraning mundo sa pamamagitan ng kanyang komposisyon noong 1202 na Liber Abaci (Aklat ng Kalkulasyon).[13][14] Ipinakilala din niya sa Europa ang pagkasunod-sunod na mga bilang na Fibonacci, na ginamit niyang halimbawa sa Liber Abaci.[15]

Mga pananda baguhin

  1. Hindi alam ang aktuwal na itsura ni Fibonacci.[1]
  2. Ang etimolohiya ng Bonacci ay "mabuting loob", kaya nangangahulugan ang buong pangalan niya bilang "anak ng isang mabuting loob [na pamilya]".[7]

Mga sanggunian baguhin

Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki How sa pagpapalawig nito.