Baybaying Amalfitana

Ang Baybaying Amalfitana (Italyano: Costiera Amalfitana) ay isang kahabaan ng baybayin sa Dagat Tireno, na matatagpuan sa Golpo ng Salerno sa Timog Italya.

Ang Baybaying Amalfitana ay isang tanyag na pasyalan ng mga turista sa rehiyon at sa Italya sa kabuuan, na umaakit ng libo-libong turista taon-taon.[1] Noong 1997, ang Baybaying Amalfitana ay itinalaga bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.[2]

Kasaysayan baguhin

Noong ika-10 hanggang ika-11 siglo, ang Dukado ng Amalfi ay umiral sa teritoryo ng Baybaying Amalfitana, na nakasentro sa bayan ng Amalfi. Ang Baybaying Amalfitana ay kalaunang kinontrol ng Prinsipalidad ng Salerno, hanggang sa ang Amalfi ay dinambong ng Republika ng Pisa noong 1137.[3]

Mga sanggunian baguhin

Mga panlabas na link baguhin

🔥 Top keywords: